Tuesday, September 15, 2009

DAMBANA NG MATER DOLOROSA

Isang umagang kay ganda....
Ako ay deboto ng Mahal na Birhen ng Dolorosa.Kaya naman, ngayong araw na ito pilit akong nag-tungo sa kanyang bahay-dalanginan.
Ika-lima na ng umaga ng ako'y umalis dito sa aking tinutuluyan.Puno ang aking isipan ng kasiyahan. 
Ang Simbahan ng Mahal na Ina ay nakatayo sa may 19th Ave., East Rembo, 1216 Makati City.Malayo-layo rin sapagkat mang-gagaling pa ako dito sa Quezon City.
Dumating ako sa Bahay-dalanginan ng ika-anim at kalahati ng umaga.
Pagdating ko nag-alay agad ako ng dasal. Sapagkat ngayon din ang araw ng Kapistahan ng Mahal na Birhen.(Sept. 15)

 
  
  
  
Halina't pumasok sa Templo ng Mahal na Birhen Ng Dolorosa

 
Sa pag-pasok mo makikita mo sa loob ang maaliwalas na kaanyuan ng templong ito,

 
          

 
  
  
  
Kung isa kang naniniwala at nanalig, nananampalataya at umiibig sa Diyos.Alam mo rin ang  nadarama ng aking Puso't Kalooban.
"Ang Puso Ko'y Nagpupuri, Nagpupuri sa Panginoon"

No comments:

Post a Comment