Maaga nanamang iminulat ang aking mga mata....
Nais ko ngayong mag-unta sa Binondo, Manila pagkat' ngayon ang Fiesta ni San Lorenzo, ang kauna-unahang santong martir ng lahing pilipino. Ngayong araw ang kanyang pyesta ika-28 ng setyembre.
Ngayon lamang ako makakapunta ng mag-isa at ako'y masaya sa bagong "eksperyens" ko.
Sumakay ako ng pa-Quiapo at bumaba ako sa Morayta gaya ng sinabi ng aking napag-tanungan.Pagdating ko sa Morayta nag-tanung ulit ako kung saan ang sakayan papunta sa Simbahan ni San Lorenzo Ruiz at sabi ng aleng sa akin,"...sumakay ng Divisoria, sa mismong Divisoria ka bumaba at doon ka mag-tanong kung saan ulit ang sakayan papuntang Binondo Church..." muli ko namangsinunod ang kanyang sinabi.
Nakarating na ako sa Divisoria at napa-swerte ko pagkat' may nakasakay akong driver at sa kanya ako nag-tanong. At sinabi niya "...sumakay ka ng Baclaran o papuntang City Hall at sabihin mo sa Binondo Church ka ibaba at doon ka mismo ibaba sa tapat ng Simbahan..." pagkatapos niyang sabihin ang gayun ako'y nagpasalamat at nagtungo na sa aking dakong paruroonan.
Laking kasiyahan ng aking kalooban ng makita ko ang Luma ngunit napaka-makasaysayang simbahan. Tila bumalik sa aking kaisipan na ako'y naglalakad na maraming naka-paligid na mga kastila. May nakikita akong kalesa. Anong saya kapag nakasakay ka sa kalesang ito. Ngunit minarapat kong hindi na muna sumakay pagkat' biglang lumakas ang ulan. At ninanais ko na na pumasok sa Simbahang aking pupuntahan.
Silipin nyo ulit ang aking Kuhang Litrato...
Pasok tayo....
Ito ang bago pumasok ng Simbahan.....
Sa gilid ay may isang munting silid kung saan makikita ang Adoration Chapel....
Ito ang ibang imahe na makikita sa Loob ng Simbahan ....
Si Hesus na naka-bayubay sa Krus
Poong Hesus Nazareno
Ang Poon ng Sto. Entierro
Ang Poon ng Sto. Niño
ANG KABUUAN NG SIMBAHAN
ANG NAPAKA-GANDANG PINTA SA KISAME NG SIMBAHAN
Ito ay masasabi kong Ang Tatlong Misteryo ng Rosaryo
Misteryo ng Tuwa
Ang Pagbati ni San Gabriel Arkanghel kay Santa Maria.
Ang Pagdalaw ni Santa Maria kay Santa Isabel
Ang Pagsilang sa Daigdig ng Anak ng Diyos
Ang Paghahandog sa Batang Si Hesus sa Templo ng Herusalem
Ang Pagka-tagpo sa Batang si Hesus sa Templo ng Herusalem
Misteryo ng Hapis
Ang Pananalangin ni Hesus sa Halamanan ng Hetsemani
Ang Paghahampas Kay Hesus na nagagapos sa Haliging Bato
Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik sa Kabanal-banalang Ulo ng Ating Panginoong Hesukristo
Ang Pagpapasan ng Krus ng Ating Panginoong Hesukristo Patungong Kalbaryo.
Ang Pagpako at pagkamatay ng ating Mananakop.
Misteryo ng Luwalhati
Ang Pagkabuhay ng Mag-uli ng ating Panginoong Hesukristo
Ang Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo
Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostoles
Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen Maria, Kaluluwa pati Katawan
Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa
Ano ang aking saya nang mamasdan ang mga ito.
THE DOME
KANANG BAHAGI NG ALTAR NG SIMBAHAN
Makikita ang Larawan ng Diyos ng Mabathalang Awa
KALIWANG BAHAGI NG ALTAR NG SIMBAHAN
Makikita ang Imahe ng Poong si San Jose
ANG KISAME NG ALTAR
Makikita ang Larawan ni San Miguel Arkanghel
ANG ALTAR
Ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ( Pilipino Church)
*pasensya na po hindi masyadong nakuhaan ng maayos pagkat' minarapat kong hindi umapak sa lapag ng altar....
"Gospel Desk"
Ang Munting Krus
Ang mesa na Pinagmimisahan
Ang Tabernakulo
ANG IMAHE NG POONG SI SAN LORENZO RUIZ DE MANILA
Panalangin kay San Lorenzo Ruiz de Manila
Minamahal naming Lorenzo Ruiz, / sa harap ng kamatayan /
ipinahayag mo / ang kahandaang mag-alay ng libo mang buhay/
para sa pananampalatayang Kristiano. / Ngayon / ang buong
mundo/ ay humahanga sa iyong katapangan. / Kaming iyong mga
kababayan, / ay buong pagmamalaking kumikilala sa iyo/ bilang
isang Pilipino. / At aming dalangin: / Ikaw na isang ama ng
tahanan / ang mag-alaga sa aming mga pamilya; / pamalagiin mo
kaming / nagkakaisa sa pagmamahalan. / Ikaw na dumanas ng
mga paghihirap/ nang may tiyaga at pananalig sa Diyos/, kalingain
mo ang mga may karamdaman / sa pag-iisip at katawan/ at
tulungan mo silang magkamit / ng kagalingang nagmumula sa
Langit.
Ikaw na namatay sa lupang banyaga, / kupkupin mo ang
bawat isang Pilipino/ na naninirahan / at naghahanap-buhay / sa
iba’t-ibang dako ng mundo/. Ikaw na halimbawa ng katatagan, /
palakasin mo ang aming pananampalataya/ at ipahintulot mo na
ito’y lumaganap / at lumago sa aming gitna.
Ikaw na kauna-unahang Santong Pilipino/ ang maging
natatanging taga-pagtanggol ng ating bayan. / Panatiliin mo
kaming iisang lipi/, tulungan mo kaming kumilos / nang may
pagtutulungan/ para sa aming pagsulong at kaunlaran; / at
tulungan mo kaming makamit ang tunay na kapayapaan.
Amen.
PANALANGIN PARA KAY SAN LORENZO AT MGA KASAMA
Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay naghandog ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tanan. Kasihan kami ng iyong pag-ibig upang maihandog ang aming buhay para sa iyo at sa aming kapwa tao. Inakay rin ng mapagpala Mong kamay ang iyong mga lingkod na sina San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa lupain ng Hapon upang tularan ang sakripisyo ni Kristo at ipamansag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.
Isinasamo namin na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal na martir na kami'y maging matatag sa pananampalataya tulad nila at maging kasangkapan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa aming bayan at sa mga bansang nasa paligid namin. Dinggin Mo ang aming kahilingan at ang tanging biyayang aming hinihingi. (Banggitin ang mga kahilingan) Kaisa ni San Lorenzo Ruiz at mga kasama, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.
Batid ko na napakarami ng Deboto ng Mahal na Poong San Lorenzo De Manila at mga Kasama, at marapat lamang siyang parangalan sa kanyang pag-pupursige na maikalat ang Salita ng Diyos at itong naparaming bulaklak ng Sampaguita at Kandila ang siyang magpapatunay.
San Lorenzo Ruiz De Manila, nawa marapatin mong tupdin ang kanilang mga kahilingan. Amen.
ANG KAHULI-HULIHANG MAKIKITA SA PAGLABAS SA SIMBAHAN
Sa aking paglisan sa Simbahang ito dala ko ang kaginhawan ng aking pakiramdam, kapayapaan sa aking puso't kalooban. Sa pagpunta ko rito nadama ko ang kahirapan ng mga kalooban noong panahon kung saan nagsismula pa lamang ang pagsibol ng diwa ng mga pilipino.Ramdam ko ang tunay na Pilipino sa lugar na ito. Nawa'y lubos nating maisa-puso ang kapayapaan.
"Mahal na Poong San Lorenzo De Manila, Ipanalangin Mo Po Kami!"
No comments:
Post a Comment