Katamis-tamisang Hesus,
Ikaw ang Alpa at ang Omega,
Sa Araw na ito na iyong Anibersaryo,
Lubos mong lingapin ang mga taong patuloy na nananalig sa iyo,
Higit sa lahat ang mga mayroon pag-aalinlangan.
Nawa'y Mag-hari sa amin ang pag-ibig na tunay,
Pag-papakumbabang katulad ng lupa,
Pag-mamalasakit sa kapwa,
at pagtitiwala sa iyo at sa kapwa.
Lubos mong igawad sa amin ang iyong pagmamahal,
Ikaw na Hari ng mga Hari,
*Pag-kalooban mo ang iyong simbahan ng katatagan,
at kalayaang matibay,
igawad mo sa
lahat ng bansa ang katahimikan sa kaayusan;
gawin mong sa bawat panig at sulok
ng daigdig isang tinig ang marinig:
Purihin ang Pusong Mahal ni Hesus,
pinagmulan ng ating
kaligtasan,
sa kanya ang papuri at karangalan.
AMEN
AMEN
No comments:
Post a Comment