Unang nagpakita ang Mahal na Birhen kay Juan Diego sa
Mexico noong madaling araw ng Disyembre 9, 1531.
Magsisimba noon is Juan Diego. Habang tinatahak niya
ang landas sa burol ng Tepeyac, nakarinig siya ng
awitan. Nakita niya ang isang napakagandang babae na
nagpakilalang siya ang Birhen Maria, maawaing Ina ng
sangkatauhan, at nangakong diringgin niya at lulunasan
ang kanilang mga hinaing sa lugar na iyon.
Inutusan ng Mahal na Birhen si juan Diego na dalhin kay
Obispo Zumarraga ang kanyang kahilingang magtayo
roon ng isang simbahan. Ginawa ito ni Juan Diego,
ngunit maingat ang Obispo at pinayuhan siyang bumalik
na lamang sa ibang araw.
Pagbalik ni Juan Diego sa Tepeyac sa dapit-hapon ng
araw ding iyon, muling nagpakita ang Mahal na Birhen;
ito ang pangalawang pagpapakita. Sinabi ni Juan Diego
ang sagot ng Obispo; muli siyang inutusan ng Mahal na
Birhen na bumalik sa Obispo kinabukasan.
Kaya humarap na naman si Juan Diego sa Obispo noong
Disyembre 10. Masugid na nag-usisa ang Obispo at
ipinaliwanag na kailangan niya ang isang tanda bilang
katunayan na talagang ang kausap ni Juan Diego ay ang
Ina ng Diyos. Subalit hindi niya sinabi (nasa isip lamanag
niya) ang hinihiling niyang tanda: Castillian roses, na
hindi kapanahunan noon at sadyang hindi tumutubo sa
lugar na iyon na masyadong mabato.
Naghihintay na ang Mahal na Birhen nang makabalik si
Juan Diego sa burol ng Tepeyac noong araw ding iyon.

Sinabi ni Juan Diego na humiling ng tanda ang Obispo.
Nangako ang Mahal na Birhen na ibibigay
niya kinabukasan ang hinihiling ng Obispo.
Hindi pumunta sa burol si Juan Diego noong Disyembre 11 dahil inalagaan niya ang kanyang tiyo, si
Juan Bernardino, na biglang nagkasakit nang malubha. Inutusan ng matanda ang pamangkin na
tumawag ng pari kinabukasan sa pag-aakalang mamamatay na siya.

Kaya’t
nagmamadaling lumakad si Juan Diego noong umaga ng Disyembre 12 upang sumundo
ng
pari. Tinangka niyang iwasan ang Mahal na Birhen; sa ibang
lugar siya dumaan. Nabigla na lamang
siya nang makasalubong niya ang Mahal na Birhen; ito ang
pang-apat na pagpapakita. Nagpaliwanag
si Juan Diego kung bakit hindi siya sumipot kahapon at kung
bakit nagmamadali siya ngayon, subalit
sinabi sa kanya ng Mahal na Birhen na magaling na ang kaniyang
tiyo.
Noong umagang iyon, inutusan ng Mahal na Birhen si
Juan Diego na umakyat sa tuktok ng burol at
manguha ng bulaklak doon. Labis na namangha si Juan Diego nang mamasdan niya ang
napakabango at naggagandahang rosas na basa pa ng hamog ang mga talulot.
Inayos ng Mahal na Birhen ang mga rosas sa kapa (o tilma) ni Juan Diego at ipinadala niya iyon sa
Obispo.

Nang nasa harap na niya ang Obispo, binitawan ni Juan
Diego ang dulo ng kanyang tilma at
binayaang mahulog ang mga rosas sa sahig.
Namangha nang gayon na lamang ang Obispo dahil siya lamang ang nakakaalam ng hiniling niyang
tanda sa Mahal na Birhen. At higit pa siyang namangha nang masaksihan niya ang unti-unting
pagsipot sa tilma ng larawan ng Mahal na Birhen. Bigla siyang napaluhod, lumuha, at taimtim na
humingi ng tawad sa Mahal na Birhen dahil sa kanyang pagdududa kay Juan Diego. Pagkatapos ay
maingat niyang kinalas ang tilma ni Juan Diego at dinala iyon sa sariling kapilya.
Sa loob ng dalawang linggo, nagpatayo ang Obispo ng kapilya sa burol ng Tepeyac; at inilipat doon
ang tilmang may larawan ng Mahal na Birjen.
Hindi nagtagal at ang Birheng Maria, sa ilalim ng titulong Mahal ng Birhen ng Guadalupe, ay
itinanghal na Patrona ng buong America, gayundin ng Pilipinas noon namang 1935.

Panalangin sa Mahal na Birhen ng Guadalupe
mula sa Nobena ng Mahal na Poong Hesus Nazareno
Kabanal-banalang Birheng Maria,
Ina ng totoong Diyos,
Kami'y nabubuhay para sa Iyo,
Yamang para sa amin Ikaw ay Inang mahabagin.
Ikaw ang hinahanap namin at tinatawagan.
Maawa ka at Iyong bigyang-pansin,
Ang aming mga pag-luha at kalungkutan.
Pagalingin Mo ang mga nalulumbay,
ang mga nagdadalamhati, at ang mga may sakit.
Inang maamo at maibigin,
Kanulungin kami sa Iyong mga mata
at sa nakahalukipkip Mo'ng mga bisig.
Huwag Mo'ng ipahintulot na mabagabag o mabalisa
ang aming mga puso.
Ipakita mo sa amin ang minamahal Mo'ng Anak na
si Hesus, upang aming matagpuan sa Kanya at
kasama Niya, ang aming kaligtasan at ng
sanlibutan.
Kamahal-mahalang Birheng Maria ng Guadalupe,
suguin kami, gawin kaming tagahatid ng balita sa
mundo at ng salita ng Diyos. AMEN
ALAALA SA MAHAL NA BIRHEN NG GUADALUPE
Alalahanin mo, o mapagmahal na Birhen ng Guadalupe, na sa iyong pagpapakita sa burol ng Tepeyac ay nangakong ipapakita ang iyong awa sa lahat
ng tao na, sa kanilang pagmamahal at pagtitiwala sa iyo, ay tumatawag sa iyo at humihingi ng tulong sa gitna ng kanilang mga pangangailangan at
kahirapan. Nangako kang didinggin ang aming hinaing, papawiin ang aming luha at bibigyan kami ng aliw at ginhawa. Batid ng lahat na walang
sinumang lumapit para hingin ang iyong tulong, kalinga at pamamagitan, maging para sa kabutihan ng lahat o para sa kalutasan ng sariling problema,
and hindi pinagbigyan.
Dahil sa tiwalang ito, lumalapit kami sa iyo, O Maria, Birheng Ina ng tunay na Diyos! Bagama’t naghihinagpis sa bigat ng aming mga kasalanan,
nagpapatirapa kami sa iyong harapan, natitiyak na tuptupdin mo ang iyong pangako. Kami’y puno ng pag-asa na, sa ilalim ng iyong kalinga at
pangangalaga, walang sinumang gugulo sa amin; ni hindi kami dapat matakot sa anumang karamdaman o kasawiang-palad o kalungkutan. Minabuti
mong manatili sa piling namin sa pamamagitan ng iyong kahanga-hangang larawan, ikaw na aming Ina, kalusugan namin at buhay namin. Sa
pagpapailalim namin sa iyong pangangalaga at sa pagkakaroon namin ng pribilehiyong dumulog sa iyo sa lahat ng aming pangangailangan, wala na
kaming dapat gawin. O Mahal na Ina ng Diyos, tanggapin mo ang aming mga kahilingan; sa awa mo’y dinggin kami at pagbigyan. Amen.
(200 araw na indulhensiya)
*Ang mga sulat at larawan ay inilathala ng STET-VIP aking kinalap muli at humanap pa ng maidadag-dag upang muling maipabasa sa mga mambabasa ng blog na ito.
No comments:
Post a Comment