Tuesday, September 22, 2009

Dambana ng Ina ng Awa

Isang taon na po ang dambanang ito at ang kapyestahan po nito ay sa Setyembre 24.

Ninais ko pong maka-punta ngayong araw na ito sa kadahilanang hindi ako makakapunta sa mismong araw ng fiesta.

Ngayon ko lang din po napuntahan ang simbahang ito na nakatayo sa Dumalay St. corner Quirino H-way,Sta. Monica, Novaliches, 1123 Quezon City.

Halina't ating imulat ang ating mga mata sa kapaligiran ng simbahan ito...





Sadyang ipinagagawa ng Harapan ng simbahan para sa nalalapit na Kapyestahan ng Mahal na Ina ng Awa. Pinalitan na po ng kanyang sariling imahe ang "Our Lady of Miraculous Medal" na dating nakalagay dito.
  























 Ang maluwag at napaka-preskong anyo ng simbahan.




 



Alas 12 impunto ng magsimula ang misa .....

Ang Mabuting Balita sa araw na ito ay ang pahayag ni San Lucas 8:19-21.


"Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid...."

Homiliya ng pari, Ito ang ilan sa aking mga narinig :

"Isang tao ang hindi naniniwala kay kristo.Bakit, parehas naman  nasisikatan ang kristiyano at pagano ng araw.Oo, parehas ngunit may pagkaka-iba ang kristiyano- katoliko, hindi lang katauhan ang nasisinagan kundi ang kaluluwa...."

"Tayo ang mga anak ng diyos sa liwanag at si hesus ang nagbukas sa atin ng kaliwanagan...Hindi lang dapat nating pakinggan kundi dapat may gawa..."






Ito ay ang imahe noong dekada 50 - Panahon ni Padre Alto (ika-anim na kura paroko sa simbahang ito)


Itong Retablo ni Willy Layug ay unang nasilayan noong 2007 sa ilalim ni Fr. M. Lagrimas.




       M                                            Ang Altar                                          JHS











Ang Kahanga-hangang anyo ng Altar



Ang Sacramento at Ang Ilawan




Ang Mahal na Ina ng awa at Ang anak niyang nakabayubay sa Krus, ang ating Panginoon.





Dadasalin sa pag-sindi ng Kandila




Ito ang Mahal na Birhen ng Lourdes na aking nasilayan na wala nang mata, inalayan ko ng napaka-bangong sampaguita pagkat' dama ko ang kanyang presencia.

"Mahal na Ina ng Awa , lubos mong kaawaan  ang Bansang Pilipinas at ang mga mamamayang pilipino na naninirahan sa lupaing ito, higit at lubos ang mga nangangailangan ng iyong tulong.Ihanda mo ang tunay na  mga nananampalataya sa mas lalong pagsubok na darating. Lubos mong ipanalangin sa iyong anak na ating Panginoong Hesu-kristo ang kalayaan, ang kapayapaan at ang kapatawaran sa lahat ng nagka-sala.
Siya nawa."



No comments:

Post a Comment