Tuesday, September 22, 2009

Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga, Coronada




Ito ang pinakamatandang larawan ng Mahal na Birhen sa Pilipinas. Ang sakdalan ng mga Caviteño sa mahigit tatlong siglo.

Ito ay una kong nasilayan noong Lunes, Ika - 21 ng Setyembre taon 2009 sa Parokya ng Diyos ng Mabathalang Awa sa Sikatuna Village, Quezon City.







PANALANGIN NG KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD

Oh kabanal- banalan at nahahapis na Birhen ng Soledad, ikaw na nagbantay sa may paanan ng Krus at nakamasid sa paghihingalo ng Iyong Anak, Ikaw na nag-iisa at nangungulila samantalang buong pagmamahal kang nakatunghay sa koronang tinik at mga pako na siyang gamit sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Iyong Anak.   Kami ay abang nakaluhod sa Iyong harapan upang magbigay galang sa Iyong mga hapis at maghandog ng kahilingan, puno ng pananalig sa santuwaryo ng Iyong sugatang puso.   Ihandog mo, isinasamo namin, ang kahilingang ito kay Hesukristo alang-alang sa mga kapakinabangan ng Kanyang banal na pagpapakasakit, kalakip ang Iyong mga hapis sa paanan ng Krus, at sa buong bisa nito ay ipagtamo sa amin ang biyayang hinihiling namin.

(dito titigil sumandali at babanggitin ang mga kahilingan)
 
Kanino pa ba kami dudulog sa gitna ng aming mga pangangailangan at paghihirap kundi sa Iyo, o Ina ng awa? Ikaw na lumagok sa kalis ng Iyong Anak at may pusong maawain sa mga hinaing ng mga naglalakbay pa sa bayang ito ng hapis.   O Mahal na Ina, na ang kaluluwa'y pinaglagusan na sundang ng hapis sa pagkakita sa pagpapakasakit ng Iyong Anak, ipanalangin mo kami at ipagkamit sa amin kay Hesus ang aming mga  kahilingan kung nauukol sa lalong ikararangal at ikaluluwalhati   Niya at sa kagalingan ng aming kaluluwa. Siya nawa.
† † †

Kamahal-mahalang   Hesus, masdan mo po kaming Inyong mga anak na humahandog sa Iyong banal na harapan sa kasamahan ng Iyong Mahal na Inang si Maria, ang Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga.   Ipagkaloob mo po sa amin , sa pamamagitan Niya ang lahat ng mga biyaya, tulong at pagpapala para sa aming angkan at mga mahal sa buhay. Siya nawa.

Dito manalangin ng tatlong (3) Aba Ginoong Maria.




No comments:

Post a Comment